Naninidigan si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na dapat ipawalang- bisa ang Martial Law extension sa Mindanao dahil sa kawalan nito ng factual basis.
Ayon kay Lagman, nabigo ang ehekutibo na makapag-presenta ng sapat na batayan na na-aayon sa konstitusyon para palawigin ang batas militar sa Mindanao.
Ang nangyari naman anya sa Marawi City ay “Act of Lawlessness” at hindi rebelyon at ang mga nalalabi umanong miyembro ng Maute-ISIS ay hindi makapaghahasik ng kaguluhan kaya’t walang dahilan upang paliwigin ang Martial Law.
Samantala, sa tanong ni Associate Justice Andres Reyes kung ang N.P.A. ay hindi banta sa seguridad ng bansa ipinunto ni Lagman na malabo ito dahil wala umanong kapasidad ang mga komunistang rebelde upang tapatan ang militar.
Sa kabila naman ng pagtutol ni Lagman, natuloy ang presentasyon ng A.F.P. sa mga naging accomplishment nito sa Marawi City sa ilalim ng implementasyon ng martial law sa pamamagitan ni Maj. Gen. Fernando Trinidad, deputy chief for intelligence ng AFP.