Ini-atras na ni Albay Governor Joey Salceda ang kanyang suporta sa kandidatura ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa May 9 elections.
Kinumpirma ni Salceda na ibinaling na niya ang kanyang suporta kay Senador Grace Poe dahil kaisa nila ito sa kanilang prinsipyo ng pagiging makatao at layuning i-angat ang pamumuhay ng mga nasa kanayunan.
Malinaw din anya ang plano ni Poe at may puso para sa ordinaryong Filipino, may paninindigan para sa bayan, malinis ang intensyon at galing at lakas ng loob magpatupad ng batas.
Naniniwala rin ang gobernador na ang senador ang pinaka-karapat-dapat na pinuno na magsusulong ng kaunlaran sa mga lalawigan.
By Ralph Obina