Nakatakdang bisitahin mamayang hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay.
Ayon sa ulat, handa na ang lahat kung saan pagdating ng Pangulo, inaasahan itong tutuloy sa multi-purpose police hall ng Police Regional Office 5 sa Camp General Simeon Ola sa lungsod ng Legazpi.
Sasalubungin ang Pangulo nina Bicol PNP Regional Director Police Chief Superintendent Antonio Gardiola, Tabaco City Mayor Krisel Luistro, Albay Governor Al Francis Bichara at Office of Civil Defense Bicol Region Director Claudio Yucot.
Matapos ang arrival honor sa Pangulo ay magsasagawa naman ng briefing para ilahad sa Pangulo ang sitwasyon ng lalawigan kaugnay ng patuloy na pag-aalburoto ng Mayon.
Batayt sa tala , nasa 82,000 residente na ng Albay ang lumikas dahil sa nagbabadyang panganib na dala ng bulkan.
—-