Naghigpit na rin ng community quarantine restrictions ang Albay kasunod ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Gov. Al Francis Bichara, isinailalim na ang probinsya sa general community quarantine o GCQ simula pa nuong nakaraang linggo.
Sa katunayan aniya, suhestiyon ng iba ay magpatupad ng enhance community quarantine o ECQ ngunit kung ito ang iiral ay magsasarado na naman ang ekonomiya sa probinsya at marami na namang hanapbuhay ang maaapektuhan dito.
Aminado rin si Bichara na nahihirapan silang tukuyin ang mga tunay o posibleng COVID-19 carriers mula sa Metro Manila dahil sa mga nagpi-prisinta ng pekeng medical certificate.