Ipinatupad na sa lalawigan ng Albay ang paghihigpit sa mga establisimiyento sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Kinumpirma ni Albay Governor Al Francis Bichara na bawal nang pumasok sa lalawigan ang mga unvaccinated maging sa indoor at al fresco dining, leisure trips at pagpasok sa hotels, country clubs at iba pang establisimiyento.
Ito, anya, ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan nakapagtala na ng 55 cases sa lalawigan.
Tanging ang mga fully-vaccinated ang papayagang makapasok sa albay maliban na lang kung may maipakitang negative RT-PCR o antigen test sa loob ng dalawang araw ang mga partially at unvaccinated invididual.
Kasabay ng implementasyon ng nasabing kautusan simula ngayong araw, ibabalik din ng provincial government ang mga border checkpoints.