Muling nakamit ng Albay ang target na zero casualty sa harap ng kalamidad na hatid ng bagyong Nona.
Ayon kay Albay Governor Joey Salceda, maliban sa walang nasawi sa kanilang lalawigan dahil sa bagyong Nona, crime free rin ang lalawigan sa buong araw.
Bagamat may napaulat na nasawi matapos makuryente sa Albay, sinabi ni Salceda na hindi ito kasama sa datos dahil nangyari ito bago pa manalasa ang bagyo.
Sa ngayon, sinabi ni Salceda na target nyang maibalik agad sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Albay.
“Tingin ko yung pagbabalik na lang ng kuryente ang aming susubukang maibalik kasi ang ano naming ay hindi lang zero casualty kundi immediate return to normal ng lifelines ng aming populasyon.” Pahayag ni Salceda.
By Len Aguirre | Ratsada Balita