Umapela na ang tulong ang Albay Provincial Government sa National Government bunsod ng nalalapit na pagkaubos ng kanilang budget para sa libu-libong residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Aminado si Albay Governor Edcel Greco Lagman na kakapusin na ang P32,000,000 calamity fund ng lalawigan upang suportahan ang evacuation efforts simula pa noong June 9.
Ibinabala ni Lagman na posibleng tumagal na lamang ng 15 – 12 araw ang pondo para sa pangangailangan ng mga bakwit.
Hanggang kahapon, mahigit 5,700 pamilya o nasa 20,000 katao ang nananatili sa 34 na evacuation sites.