Pinag-aaralan na rin ngayon na mapabilang sa World Heritage List ng UNESCO o United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization ang Mt. Mayon Natural Park sa Albay.
Layon nitong mapanatili ang mga lugar na may malaking papel na ginampanan sa larangan ng kasaysayan, kultura at likas yaman para sa mga residente ng isang partikular na lugar.
Posibleng maging saklaw ng nasabing natural park ang Budiao gayundin ang Cagsawa Ruins; mga antigong simbahan ng Daraga, Sto. Domingo, Bacacay, Camalig at Tabaco; Lingnon at Quitinday Hills; Hoyop-Hoyopan Cave at iba pa.
Kamakailan, bumisita na si National Historical Commission Secretary General Lila Ramos Shahani kay Albay Governor Al Francis Bichara upang talakayin ang nasabing usapin.
By Jaymark Dagala