Posibleng maisailalim sa state of calamity ang Albay dahil sa nararanasang matinding pagbaha.
Kasunod na din ito nang paglikas sa walongpong (80) pamilya mula sa dalawang barangay sa bayan ng Camalig.
Tuluyan nang umapaw ang tubig mula sa ilog at mga baradong kanal matapos ang tuloy – tuloy ding pagbuhos ng ulan sa lalawigan.
Nananatiling lubog sa baha ang labing siyam (19) na barangay mula sa Legaspi City kung saan una nang napaulat ang pagpapalikas sa limangpong (50) pamilya matapos umabot hanggang baywang ang tubig baha.
Dahil sa masamang lagay ng panahon na dulot ng buntot ng cold front, pinagbawalan na ding pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat.