Mahigpit na nakatutok ang Albay Provincial Government sa mga residente na apektado nang pag a alburuto ng Bulkang Mayon na ngayo’y nasa alert level 2 na.
Tiniyak ito sa DWIZ ni Albay Governor Noel Rosal matapos bisitahin ang mga residenteng sakop ng 8 kilometer danger zone at pare-pareho na ring naghahanda sakaling tumindi pa ang pag a alburuto ng nasabing bulkan lalo na kung uulan sa mga susunod na araw.
Apektado aniya nang pag a alburuto ng Bulkang Mayon ang tig isang lungsod sa first hanggang third district ng Albay.
Ipinabatid pa ni Rosal ang masusing pag monitor sa aktibidad ng Bulkang Mayon sa pamamagitan ng agarang aerial inspection partikular sa bunganga nito.