Naalarma ang Albay provincial government sa mga naitatalang kaso ng HFMD o Hand Foot and Mouth Disease.
Ayon kay Albay Provincial Health Officer Nathaniel Rempillo, ang munisipalidad ng Oas, Legazpi City at Guinobatan ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng HFMD kung saan karamihan sa mga biktima ay mga batang may edad isa hanggang sampu.
Sinabi ni Rempillo na wala namang masamang kumplikasyon na naranasan ang mga pasyente na naaasikaso naman lahat.
Tinukoy ni Rempillo ang poor sanitation na dahilan ng outbreak kaya’t hinimok nito ang mga paaralan at komunidad na palagiang mag-disinfect sa kanilang paligid at kaagad i-isolate ang mga suspected patient.
Una nang nakapagtala ang Albay ng 541 HFMD cases simula noon pang nakalipas na buwan.