Sabay na manunumpa sa 18 ng Abril ang mga bagong talagang pinuno ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque , manunumpa bilang bagong PNP Chief si NCRPO Chief Director Oscar Albayalde habang bagong AFP Chief of Staff naman si Western Command Lt. General Carlito Galvez.
Papalitan ni Albayalde si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na nakatakdang bumaba sa pwesto sa ika- 14 ng Abril.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga niya si Dela Rosa sa Bureau of Corrections.
Samantala , si Galvez naman ang napiling pumalit kay AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero na nakatakda nang magretiro.