Binigyan ng isang linggo ni PNP Chief Oscar Albayalde ang DIDM o Directorate for Investigation and Detective Management para sa resulta ng serye nang pagpatay sa Negros Oriental.
Sinabi ni Albayalde na hindi naman niya inaasahang mareresolba kaagad ang isyu subalit kahit papaano sa isang linggo ng imbestigasyon ay may malinaw at siguradong impormasyon dito.
Ipinabatid pa ni Albayalde na nagtatag sila ng iba’t ibang task force para tumutok sa bawat isang kaso ng patayan sa Negros Oriental.