Ipinauubaya na ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa korte ang pagpapasiya kung papayagan si Senadora Leila De Lima na makibahagi sa plenary session ng Senado habang nakakulong.
Ayon kay Albayalde, nakadepende aniya ang usapin sa magiging desisyon ng korte.
Binigyang diin naman ng PNP Chief na nakahanda silang sundin ang korte sakaling magpasiya ito at payagan ang hirit na makasama sa talakayan sa senado si De Lima at magampanan ang kanyang tungkulin.
Una rito, naghain ng resolusyon sina Senate Minority Franklin Drilon at Senador Panfilo Lacson na humihiling na payagan si De Lima na makibahagi sa mga plenary session sa Senado sa pamamagitan ng teleconferencing o iba pang uri ng remote electric communication.
Habang sinabi ni senate committee on rules chairman at majority leader Migz Zubiri na kanila munang hihingan ng komento ang korte at PNP bago pagpasiyahan ang nabanggit na resolusyon.