Taas noong haharap sa Senado ngayong araw si PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon at Justice Committees hinggil sa isyu ng mga ‘ninja cops’.
Ayon sa PNP chief, naninindigan siyang malinis ang kaniyang konsensya at recycled na ang usaping ipinaparatang laban sa kaniya, isang buwan bago siya tuluyang magretiro sa serbisyo.
Inaasahang dadalo rin sa pagdinig ngayong araw si retired P/BGen. Manuel Gaerlan, ang dating Deputy Regional Director for Operations ng Central Luzon PNP na siyang nag-imbestiga noon kay Albayalde nang siya’y Provincial Director pa ng Pampanga.
We’re prepared kung ‘yun ‘yung tanong with regards to— I think we have, again, sabi ko nga, it will be self-serving kung palaging ako nalang nagsasalita, let the person who really investigated the matter talk. I respect ‘yung sasabihin ni General Gaerlan dahil siya mismo ang nag-imbestiga no’n during the time that he was the deputy regional director for operations during the time,” ani Albaylde.
Handa na ring harapin ni Albayalde si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na siyang nagdawit umano sa kaniya sa kontrobersiya.
Gayunman, hindi direktang sinagot ni Albayalde kung nagkaroon ba sila ng samaan ng loob ni Magalong matapos ang naunang pagbubunyag nito sa Senado.
On my side, what you see is what you get sa akin, e,” ani Albayalde.