Pinaalalahanan ni NCRPO o National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde ang mga pulis na mayroon din karapatan ang mga pinaghihinalaang sangkot sa krimen, na dapat kilalanin.
Ito ay matapos lumabas ang ulat na mayroong ilang pulis na ginagamit ang Oplan Tokhang para mangikil.
Sinabi ni Albayalde na maliban sa pagpayag sa pagkakaroon ng abogado at tagapayo ng mga inaaresto, kailangan din ipaalam sa mga ito ang kanilang kasong kinakaharap.
By: Katrina Valle / Allan Francisco