Nanindigan si PNP Chief General Oscar Albayalde na walang masama sa pagtawag nya kay PDEA Director General Aaron Aquino kaugnay sa mga tauhan nya na inaakusahang ‘ninja cops’.
Nangyari ang pagtawag ni Albayalde noong hepe pa ng Region 3 si Aquino.
Iginiit ni Albayalde na malinaw naman sa mga pahayag ni Aquino na kahit ano pa ang naging laman ng kanilang pag-uusap, malinaw na hindi sya pinagbigyan ni Aquino.
Whether I called or not, wala pong nagbago sa desisyon niya, it’s because even during the time of General Lacadin, the motion for reconsideration was already partially granted,” ani Albayalde.