Hinamon ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang Commission on Human Rights o CHR na inspeksyunin ang lahat ng mga kulungan sa buong bansa.
Ayon kay Albayalde, ito ay para makumbinsi ang mga lokal na pamahalaan na maisaprayoridad ang pagpapalawak pa sa mga kulungan sa harap ng kinakaharap na problema sa jail congestion.
“Sabi nga natin kanina kung kami ang hihintayin may problema kami pagdating sa lupa, I think that is part of their mandate going around the different detention cells in the whole country, remember ‘yung sa Manila dati yung secret cell di ba kaya nga nagawa ‘yun, but then we are encouraging CHR officials to convince local chief executives and let this be the priority program.” Ani Albayalde
Ayon naman kay CHR Commissioner Gwen Pimentel Gana, welcome sa kanila ang naturang hamon ng liderato ng PNP.
Hiling ni Gana kay Albayalde, bigyang pagkakataon ang mga tauhan ng CHR na makapasok sa mga kulungan at makapagsiyasat nang buong laya.
“Okay na okay sa amin ‘yan alam mo that’s part of our mandate, we have the right to visit and inspect detention centers and jails, ang intention naman natin dito is actually maging constructive collaborators with the police in terms of improving our jail system at kondisyon ng mga preso sa kulungan.” Pahayag ni Gana
—-