Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde na hindi sya mahuhulog sa inilalatag na patibong sa kanya para magbitiw sa puwesto.
Reaksyon ito ni Albayalde sa pahayag ni Senador Richard Gordon na magbitiw na sya sa puwesto matapos mabunyag na prinotektahan nya ang mga tauhan nya na hinihinalang ‘ninja cops’ noong 2014.
Binigyang diin ni Albayalde na personal ang ginagawang pag-atake sa kanya ni Baguio City mayor at dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Benjamin Magalong.
Pinalalabas anya na si Magalong ay may integridad gayung minsan na itong nakinabang sa sistema ng ‘arbor’ nang hindi sya makasuhan matapos masangkot sa kudeta noong Arroyo administration.
Hinikayat pa ni Albayalde ang media na busisiin ang background ni Magalong lalo na noong regional director pa ito ng PNP-Cordillera.