Binanatan ni dating foreign affairs secretary Albert Del Rosario ang Department of Foreign Affairs matapos na kanselahin ang kanyang courtesy diplomatic passport.
Matatandaang hindi pinayagang pumasok sa Hong Kong at pinabalik sa bansa si Del Rosario tulad na rin ng naging karanasan ni dating ombudsman Conchita Carpio Morales sa naturang bansa.
Ayon kay Del Rosario, sa halip na batikusin ng Pilipinas ang kawalang galang ng China ay siya pa itong binawian ng diplomatic passport.
Aniya, ang kanyang diplomatic passport ay mayroong tatak ng gobyerno ng Pilipinas kaya ang pagpapakita ng kawalang galang sa may hawak ng naturang pasaporte ay kawalang galang din sa republika.
Matatandaang sina Carpio at Del Rosario ang naghain ng reklamo laban kay Chinese Xi Jinping sa International Criminal Court dahil sa usapin sa West Philippine Sea.