Mariing kinontra ni dating foreign affairs Secretary Albert Del Rosario ang ginawang kanselasyon ng Department of Foreign Affairs sa lahat ng diplomatic passport.
Kasunod ito ng naging pag harang at pagpapabalik sa bansa kay Del Rosario mula sa Hong Kong kahit pa bitbit nito ang kanya diplomatic passsport.
Ayon kay Del Rosario, hindi maaring department order lamang ang magkansela sa mga inisyung diplomatic passport sa mga dating kalihim ng DFA at ambassadors na itinatalaga ng Passport Act na inaprubahan ng Kongreso.
Kasama rin sa itinatalaga ng Republic Act 8239 o Passport Act Section 3, maari ring bigyan ng diplomatic passport ang mga cabinet secretaries gayundin ang undersecretaries at assistant secretaries ng DFA.
Maari aniyang kwestiyunin ng naturang mga opisyal ang naging kautusan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr na pagkansela sa lahat ng mga iniisyung diplomatic passport.