Patuloy na nagkukumahog ang mga residente sa Alberta na lumikas dahil sa mala-impyerno nang sitwasyon dulot ng hindi maapulang wildfire doon.
Ayon sa ulat, 80,000 na mula sa kabuuang 100,000 populasyon ng Alberta ang tumugon sa ipinatupad na mandatory evacuation.
Dahil dito, bumper to bumber na trapik ang makikita sa mga kalsada sa Alberta sa pagnanais ng mga residente na makaalis sa kanilang lugar.
Ibinabala ng Alberta Emergency Services sa susunod na 24 na oras ay magiging kritikal na ang sitwasyon.
Tinatayang nasa 10,000 ektarya at 2,000 kabahayan na ang tinupok ng wildfire sa Alberta.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters