Mistulang nabunutan ng tinik ang aktor na si Albie Casiño matapos lumabas ang ulat na hindi siya ang ama ng anak ni Andie Eigenmann kundi si Jake Ejercito.
Ito ay matapos aminin ng half sister ni andi na si Max Eigenmann sa podcast ng Good Times With Mo Twister na si Jake ang nakabuntis kay Andi batay sa ginawang DNA test.
Sa kanyang Instagram account, nagpost si Albie ng puting caption na thank you sa itim na background.
Kaya naman ipinagpapalagay ng mga netizen na patungkol ito sa lumabas na balita.
Matatandaang naging ugat ng away ng mga pamilya ni Andi at Albie ang hindi pag-ako ng aktor sa ipinagbubuntis ng anak ni Jaclyn Jose.
Iginigiit nuon ni Andi na si Albie ang ama ng kanyang anak kahit pa break na sila ng mga panahong iyon.
By: Ralph Obina