Inaresto na ng Albuera Leyte PNP ang kanilang alkaldeng si Rolando Espinosa.
Ayon kay Albuera Chief of Police, Chief Inspector Juvy Espinido, agad nilang isinilbi ang dalawang warrant of arrest laban kay Espinosa sa mismong opisina ng alkalde sa munisipyo.
Ito ay para sa kasong illegal drugs matapos makumpiska ang mahigit 11 kilo ng shabu sa bahay nito sa Albuera noong Agosto.
Ang isa pang warrant of arrest ay para naman sa kasong illegal possession of firearms kung saan dawit din dito ang anak nitong si Kerwin matapos makumpiska ang matataas na kalibre ng armas sa kanilang bahay.
Sa ngayon ay ikinulong na sa Leyte Sub Provincial Jail si Mayor Espinosa.
Kasunod ito nang paglalabas ng commitment order ng korte sa Baybay City para sa alkalde.
Sinabi rin ni Espinido na isinailalim muna si Espinosa sa medical examinationa sa Western Leyte Provincial Hospital bago ikinulong.
By Ralph Obina | Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)