Kasalukuyang nasa lalawigan ng Cebu umano si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr at ang pamilya nito makaraang paalisin sa white house sa kampo crame
Ito’y matapos namang mabigong umuwi sa bansa at sumuko ang anak nitong si Kerwin na itinuturong bigtime drug lord sa bayan ng Albuera
Ayon sa ulat, plano umano ng alkalde na magpagamot sa nasabing lugar kung saan, naki-usap pa ito sa ilang miyembro ng media na samahan siya sa Mactan – Cebu international airport kasunod ng bantang asasinasyon laban sa kaniya
Kinumpirma naman ni Supt. Ricthie Posadas, director ng aviation security unit sa Central Visayas ang pagdating duon ni Espinosa at ng pamilya nito
By: Jaymark Dagala