Patay si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa matapos umanong mabaril sa loob ng kanyang selda sa Baybay City Provincial Jail.
Kinumpirma naman ni Philippine National Police (PNP) Regional Director Elmer Beltejar ang sinapit ni Espinosa na nakakulong dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay Albuera Police Chief, Chief Inspector Jovie Espenido, nanlaban si Espinosa habang isine-serve ng PNP-CIDG ang warrant laban kay Espinosa sa kasong illegal possession of firearms bandang alas-4:00 kaninang umaga.
Kabilang sa nasawi ang isang Raul Yap na nakakulong din dahil sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs.
Sinusuri na ngayon ng SOCO Region 8 ang crime scene.
Una nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Espinosa at ang anak nitong si Kerwin na siyang big time drug lord sa eastern Visayas.
Sa susunod na linggo inaasahan namang babalik na sa Pilipinas si Kerwin Espinosa.
By Jelbert Perdez