Pakakantahin ng Philippine National Police (PNP) ang di umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa kung sinu-sinong opisyal ng gobyerno ang nasa kanyang blue book.
Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Albuera Police, sa ngayon ay nasa 83 ang alam nilang government officials na kasama sa payola ni Espinosa at posibleng madagdagan pa ito kapag nangumpisal si Espinosa.
Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na plano nilang gawing testigo si Espinosa laban kay Senador Leila de Lima.
Bahagi ng pahayag ni Albuera Police Chief Inspector Jovie Espenido
Ipinahiwatig ni Espenido na posibleng maghain sila ng mosyon upang dito sa Metro Manila makulong si Espinosa at posibleng kasama na rin ang ama nitong si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. na ngayon ay nakakulong sa Baybay Leyte
Bahagi ng pahayag ni Albuera Police Chief Inspector Jovie Espenido
By Len Aguirre | Ratsada Balita