Naayos na ang gusot sa pagitan nina Kapuso star Alden Richards at Juancho Trivino.
Ayon kay Juancho, isang araw matapos ang kanya umanong pag-di-dirty finger sa poster ng “Pambansang Bae” sa isang tindahan ng relo ay nagkausap na sila ni Alden.
Agad namang humingi ng dispensa si Juancho sa pamamagitan ng isang statement na inilabas niya sa social media kaugnay sa “bad joke” niya.
Magugunitang nagalit ang maraming fans ni Alden dahil sa pambabastos di umano ni Juancho sa kanilang idolo.
Bagaman noong Marso pa naganap nasabing insidente na kinunan pa ng video at pinost sa social media, hindi pa rin nakaliligtas sa pam-ba-bash ng mga netizen si Juancho.