Hindi big deal para sa Pambansang Bae na si Alden Richards ang hindi pagkakatuloy ng isa niyang proyekto at ibigay ito sa kapwa Kapuso actor na si Ruru Madrid.
Ayon kay Alden, hindi niya alam ang tunay na dahilan sa hindi pagkakatuloy ng isang teleserye matapos na unang mai – offer ito sa kanya.
Aniya, hindi siya tiyak pero tila nagkaroon ng pagbabago sa istorya ng nasabing teleserye kaya hindi na ito natuloy at sa halip ay ibinigay kay Ruru.
Gayunman, iginiit ni Alden na walang dapat maging isyu sa pangyayari lalo’t si Ruru ay kanyang kasamahan sa Sunday Pinsaya.
Tiwala din si Alden na magagampanan ni Ruru ang nasabing role na unang ibinigay sa kanya, dahil aniya malaki ang potensyal nito bilang aktor at nararapat lamang bigyan ng lead role sa isang teleserye sa primetime.