Nakahanda na si pambansang bae Alden Richards na umibig at pumasok sa isang relasyon sakaling mahanap niya na ang kanyang The One ngayong taon.
Ayon kay Alden, bagama’t tiyak na magiging abala siya lalo’t magsisimula nang ipalabas ang kanyang pinabibidahang serye, sinabi ng aktor na kinakailangan niya nang bigyan ng panahon ang buhay pag-ibig.
Pag-amin naman ng pambansang bae, wala pa siyang idinidate ngayon at libreng maghanap ng iibigin.
Sinabi pa ni Alden, hindi niya rin isinara ang pintuan sa posibilidad na ma-in love sa kanyang co-stars gayundin sa kababaihan sa labas ng showbiz.
Pabiro ring sinabi ni Alden na kanyang hinihiling na hindi maging malamig ang kanyang Pasko sa darating na Disyembre.
—-