Walang ieendorsong sinumang pulitiko o presidentiable ang patok na love team ngayon na AlDub na sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.
Ayon kay Senador Tito Sotto, maging siya ay hindi gagamitin ang popularidad ng AlDub para manalo sa pagtakbo niyang muli bilang senador.
Ipinaliwanag ni Tito Sen na nais nilang maging neutral ang tambalang AlDub at maging kaibigan ng lahat.
Maliban dito, pinayuhan din ng dabarkads ng EatBulaga ang sina AlDen at Yaya Dum na iwasang pag-usapan ang ukol sa pulitika.
Sa katunayan, marami na aniyang natatanggap na offer mula sa mga pulitiko ang AlDub maging ang mga staff ng Eat Bulaga ngunit ito aniya ay kanilang ibinasura.
By: Ralph Obina