Opisyal nang maituturing na ‘hottest product endorser’ sa bansa ang sikat na noontime TV love team na ‘AlDub.’
Sa loob lamang ng 7 buwan simula ng umusbong ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, pumalo na sa P200 million ang pinagsamang kita ng dalawa.
Ito ay base sa sunod-sunod na commercial, billboard at print ads na pinagbibidahan nila bilang pares at indibiduwal.
Sa kasaluluyan, pumalo na sa 41 ang kabuuang endorsements ng AlDub.
Ayon sa source, mas mataas ang rates ni Alden kumpara kay Maine.
Tinatayang nasa P5 million ang rates ni Alden habang pumapalo naman sa P1.5 million ang rate ni Maine.
Base sa 41 product endorsements, sa pinagsamang kita ng AlDub na hindi bababa sa P200 million-20 to 30 percent dito ay napunta sa GMA Talent Center at Television and Production Eponents (TAPE) bilang komisyon.