Tiyak na milyunaryo na ngayon ang mga host ng kalye serye sa noontime show na Eat Bulaga kung maipapalit sa pera ang mga tweets.
Ito’y makaraang magrecord breaking na naman ang episode ng kalye serye kahapon gamit ang hashtag na AlDub most awaited date worldwide.
7:00 kagabi nang maitala ang 11 milyong tweets bilang pagpapakita ng suporta at kilig sa pinaka-a-abangang date nina Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub
Sobrang pasasalamat naman ang ibinigay nina Alden at Maine sa mainit na pagsuporta sa kanila ng kanilang mga fans.
Ngunit may mga biglang nag-tweet at humihingi ng paumanhin sa mga fans dahil sa pagka-kabulilyaso ng muling pagkikita ng nasabing tambalan.
Sa inilabas na pahayag ng alarm clock at ng chewibles ni Lola ni Dora, kinakailangan lamang daw nitong sundin ang oras na sinet umano ni Yaya Dub.
Paliwanag naman ng long table, dapat daw sa kongreso ang tungo niya ngayon ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay sa broadway siya dinala.
Sa huli, kapwa nakiusap ang tatlo sa AlDub fans na huwag silang pagbuntunan ng inis.
By: Jaymark Dagala