Sa pagbubukas ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa mga sinehan nationwide kahapon December 25, agad na nagkaroon ng isyu kaugnay sa umano’y “ticket swaping” na naganap sa ilang SM Cinemas.
Inireklamo ng ilang manonood ang maling title ng pelikula sa binili nilang ticket.
Nag-post sa twitter ang ilang tagasuporta ng MMFF entry na My Bebe Love na sa halip na ito ang nakaimprenta sa biniling ticket, ay ang Beauty and Bestie ang nakalagay.
Kaugnay nito, kinumpirma naman ng director ng My Bebe Love na si Direk Jose Javier Reyes ang insidente.
Samantala nag-post naman sa twitter ang beteranong komedyante na si Joey de Leon ng isang babala kaugnay dito.
Sa pamamagitan din ng twitter post humingi ang pamunuan ng SM Cinema ng paumanhin sa nangyaring ito, ngunit agad naman din nabura ang naturang post.
Ang My Bebe Love ay pinagbibidahan nila Vic Sotto, Ai-ai delas Alas, kasama si Alden Richards at Maine Mendoza.
Ang Beauty and The Bestie ay pinagbibidahan naman nina Vice Ganda at Coco Martin, kasama sina James Reid at Nadine Lustre.
By Jenny Valencia