Hindi napatotohanan ni retired SPO3 Arturo Lascañas ang alegasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa umano’y pag-iral ng D.D.S. O Davao Death Squad at pag uutos sa mga pagpatay.
Ito ang nakasaad sa dalawampung pahinang committee report ng Senate Committee on Public Order na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson matapos ang ginawang pagbaliktad ni Lascañas sa mga nauna nitong testimonya.
Nakapaloob sa committee report na hindi si Lascañas ang makapagpapatotoo ng pag-iral ng DDS at walang maitutulong ang kanyang mga pahayag para bigyang katarungan ang mga biktima ng pagpatay sa Davao City.
Ayon kay Lacson, hindi na-validate ang mga panibagong isiniwalat ni Lascañas.
Gayunpaman, hindi inirekomenda ng komite na kasuhan si Lascanas.
Ang rekomendasyon ng committee report ay amyendahan ang revised penal code para pabigatin ang parusa sa perjury o pagsisinungaling.
Inirerekomenda din ng committee report na baguhin ang rules ng Senado para parusahan ang sinumang testigo ng magsisinungaling o magbibigay ng hindi magkakatugmang pahayag sa mga pagdinig.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno