Pinaiimbestigahan ni Senador Antonio Trillanes IV ang aligasyon ng gambling operator na si Charlie Atong Ang na balak siyang ipapatay ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ayon kay Trillanes, napaka-kontrobersiyal ng pagsisiwalat na ito ni ang kaya’t dapat na maimbestigahan lalo’t patunay iyon na sangkot nga si Aguirre sa pangingikil at panunuhol sa Bureau of Immigration.
Una nang nanawagan si Ang kay Pangulong Rodrigo Duterte na iligtas at protektahan siya mula kina Aguirre at Security Adviser Hermogenes Esperon na siyang nagplanong itumba siya.
Kasunod nito, tiniyak ni Trillanes na ihahain niya ang resolusyon para sa imbestigasyon sa muling pagbabalik sesyon ng Senado sa Mayo.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno