Mawawalan ng saysay ang simbahan kung mananahimik ito laban sa mga nakikita nilang maling gawain.
Tugon ito ni CBCP Spokesman Father Jerome Secillano sa alegasyon ni presidential adviser on legal affairs Salvador Panelo na lumalabas na sa probisyon ng konstitusyon sa separation of church and state ang simbahang Katolika.
Ayon kay Father Jerome, taliwas sa pahayag ni Panelo, hindi naman pinagbabawalan ng konstitusyon ang simbahan na magpahayag ng kanyang opinyon sa mga nangyayari sa kapaligiran.
Sa kanila anyang pagkaka-intindi, ang sinasabing separation of church sa konstitusyon ay tumutukoy sa pagbabawal sa pamahalaan na magtakda at magpondo ng isang official religion.
Matatandaan na naglabas ng pastoral letter ang CBCP na tumutuligsa sa pagpapasara ng kongreso sa ABS-CBN.