Itinanggi ni US Ambassador Sung Kim ang alegasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na bahagi ng destabilization plot laban sa kaniya ang Central Intelligence Agency o CIA.
Ayon kay Kim, walang kinalaman ang CIA sa mga napapaulat na pagpapabagsak sa gobyernong Duterte.
Binigyang – diin ni Kim na iginagalang nila ang aniya’y ‘impressive’ na pagka-panalo ni Pangulong Duterte noong 2016 Elections at katuwang sila nito para sa matibay na ugnayan ng Amerika at Pilipinas.
Pinanghahawakan naman ni Kim ang indikasyon sa kaniya ng Pangulong Duterte sa kanilang pag-uusap, na pursigido itong maisulong ang close ties sa Washington.