Mariing itinanggi ng Philhealth ang ulat na umaabot na sa mahigit 150 bilyong piso ang nawawala sa ahensiya dahil sa labis na pagbabayad sa mga pekeng claimants.
Ayon kay Philhealth Deputy Spokesman Rey Baleña, hindi nila ikinukunsiderang labis na pagbabayad ang nangyari dahil meron silang sinusunod na sistema na tinawag na case rate payment.
Sa ilalim aniya nito, naka-fix na ang rate sa kanilang mga health provider pars sa isang partikular na sakit o gamutan.
Dagdag ni Baleña, maituturing ding butas o loophole ang mga ghost claims dahil walang paraan ang Philhealth para maberipika kung namatay na ang isang mieymbero maliban na lamang kung irereport sa kanila.
Samantala, mariin ding pinabulaanan ni Philhealth Acting President at CEO Dr. Roy Ferrer ang alegasyon ng Mafia sa organisasyon ni Minguita Padilla, dating head executive stadd ni dating secretary Janette Garin.
Sinabi ni Ferrer, nagpapakalat lamang ng maling balita si Padilla dahil mas marami aniyang problema sa philhealth sa ilalaim ng kanilang pamamahala sa DOH.
(with report from Jaymark Dagala)