Ikinaalarma ni UN Secretary General Antonio Guterres ang mga alegasyong chemical attacks sa Syria.
Dahil dito, hiniling ni Guterres sa security council na imbestigahan ang aniya’y seryosong krimen.
Kasunod na rin ito nang pakikipagpulong ni Guterres sa pinuno ng Organization for the Prohibition of Chemical Attacks (OPCA) na ang imbestigahan na ang mahigit 70 kaso ng toxic gas attacks sa Syria noong 2014.
Sinabi ni Guterres na kailangang matutukan ang usapin lalo pa’t malinaw ang pagbabawal sa paggamit ng chemical weapons kahit ano pa man ang dahilan.
Ipinabatid ng OPCA ang mga alegasyon ng paggamit ng chemical weapons partikular ng chlorine sa Eastern Ghouta na nais kontrolin ng Syrian government.
—-