Hindi uubra ang alegasyon ni dating RCBC Branch Manager Maia Deguito dahil ispekulasyon lamang umano ito.
Ayon kay Senador Serge Osmeña, dapat magpakita ng pruweba si Deguito para mapalakas ang pahiwatig nito na isang grand conspiracy o may mataas na opisyal ng RCBC ang may kinalaman sa 81 million dollar money laundering scandal.
Sinabi pa ni Osmeña na kung talagang may personal knowledge si Deguito sa posibleng grand conspiracy sa naturang usapin, dapat aniya itong magbigay ng detalye at magbigay ng pangalan ng sangkot dito.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)