Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang mga alegasyon na ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa bansa ay mas mataas kumpara sa opisyal na datos.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergiere, simula nang magkaroon ng pandemya ay naipaliwanag na sa publiko ang pagkakaiba sa bilang ng mga nasawi sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) at DOH.
Ang pahayag ni Vergeire ay bilang tugon sa sinabi ng grupong Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPH) kung saan binanggit nito na ang datos mula sa PSA ay nakapagtala ng 105,000 indibidwal na namatay sa COVID-19.
Batay naman sa datos ng kagawaran kahapon, umabot sa limamput 54,097 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa bansa.
Dagdag pa ni Vergeire na ang mga namatay lamang sa COVID-19 ang naitatala ng kagawaran.
Habang ang mga incidental cases o mga naoospital na pasyente aniya na may ibang kondisyon sa kalusugan ngunit natuklasang positibo sa naturang virus ay hindi kasama sa opisyal na COVID-19 death count.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa PSA upang pagtugmain ang kanilang datos.—sa panulat ni Airiam Sancho