Kinontra ng Consultative Committee on Charter Change ang alegasyon na mauuwi lamang sa authoritarian rule ang federalismo.
Ayon kay Ding Generoso, Spokesman ng Con-Com, malabong mailagay sa iisang tao ang kapangyarihan dahil hahati hatiin sa mga rehiyon at lalawigan ang mga kapangyarihan sa pamahalaan na dati ay nakasentro lamang sa Metro Manila.
Maging ang kapangyarihan anya sa pangongolekta ng buwis ay ipakakalat na sa mga rehiyon at lalawigan.
Sinabi ni Generoso na magiging responsable na ang bawat rehiyon sa kanilang lugar tulad na lamang kung pagdedesisyon kung saan gagamitin ang kanilang mga lupain.
—-