Tinawag na fake news ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ang kumalat na video sa social media ng umano’y pagdaraos nila ng Christmas party.
Ayon kay Sinas, walang isinagawang Christmas party ang PNP lalo na’t mahigpit na ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force ang pagtitipon-tipon ngayong kapaskuhan dahil sa COVID-19 pandemic.
Aniya, malinaw na ipinakalat lamang ang video ng kaniyang mga kritiko upang sirain ang kanyang reputasyon.
Paglilinaw ni Sinas, luma na ang naturang video kung saan ipinakikita ang kanyang pagdalo sa retirement honors ng kanyang mga classmate sa Tuguegarao na ginanap pa noong Enero ng kasalukyang taon.