Mariing itinanggi ni Agriculture Sec. William Dar ang alegasyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na umano’y overpriced pa rin ang urea fertilizer bidding.
Kinuwestiyon ni Dar kung saan nakuha ni Rosendo So ng SINAG ang naturang impormasyon.
Giit ni Dar, imposible ito dahil hindi pa tapos ng bids and awards committee ang second round ng bidding.
Dahil dito, humihingi si Dar ng public apology mula sa SINAG dahil malinaw aniyang panliligaw ito sa publiko.