Pinalagan ni Sulu Governor Abdusakur Tan ang alegasyong may local officials sa lalawigan ang nakikipag sabwatan sa Abu Sayyaf.
Ayon kay Tan, wala siyang namo-monitor na sinumang lokal na opisyal sa kanilang lalawigan na sumusuporta sa bandidong grupo.
At kung meron man, tiniyak ni Tan na pai imbestigahan niya ito at pananagutin.
Sinabi ni Tan na handa siyang magpa-imbestiga sakaling madikit ang kaniyang pangalan sa Abu Sayyaf.
By Judith Larino |With Report from Jonathan Andal