Itinanggi ng nasuspindeng direktor ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag ang alegasyong nanaksak siya ng 2 bilanggo o ilang nakakulong noong namumuno pa siya sa ahensiya.
Ayon sa abogado ni Bantag na si Rocky Balisong, walang sinaktang sinuman si Bantag.
Hindi rin aniya matandaan ni Balisong ang 2 preso na nagsabing sila ay sinaksak ng suspendidong opisyal ng BuCor.
Noong Disyembre 19 nang isiniwalat ng mga preso sa new bilibid prison na sina alyas Luis at alyas Rodel na sinaksak sila ng lasing na Bantag noong unang bahagi ng taon.
Galit din umano ang dating opisyal sa nangyaring jailbreak noong Enero at sila ang nagdusa sa kanyang galit.