Hinahanapan ng ebidensya ni Dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, ang mga suspek sa degamo slay case matapos umatras sa kanilang naunang salaysay.
Matatandaang sinabi ng mga suspek na sila’y tinorture at pinagbantaan ng mga tauhan ng Philippine National Police, para idiin sa kaso si Congressman Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay Atty. Roque, dapat depensahan ng mga suspek ang kanilang naging testimonya at ipakita ang mga ebidensya kung totoo ba na sila’y tinorture ng mga pulis.
Iginiit pa ng dating opisyal na maituturing na isang uri ng krimen ang alegasyon ng mga suspek laban sa PNP.