Suportado ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano ang mga inilatag na kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Alejano, nararapat lamang na matiyak na mahihinto na ang mga ginagawang pag-atake at panununog ng mga rebelde sa mga kanayunan bago ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.
Kinakailangan din aniyang matigil na ang pangongolekta ng mga ito ng revolutionary taxes, pagrerecruit ng mga miyembro at pananatili sa mga designated areas upang maiwasan ang engkuwentro sa militar.
Samantala, ikinalungkot ni Alejano ang muling pagkakaantala ng peace talks lalo’t naniniwala siyang tanging sa pamamagitan lamang nito matatamasa ang ganap na kapayapaan sa bansa.
—-