Kontrolado na ng gobyerno ang Aleppo, ang ikalawang pinakamalaki at mahalagang lungsod sa Syria.
Ito’y makaraan ang ilang linggong matinding bakbakan na naging dahilan ng pag-atras ng mga Syrian rebel kasama ang kanilang pamilya.
Kahapon lumikas ang huling batch at convoy ng mga sibilyan at pamilya ng mga Anti-Assad Forces mula Aleppo.
Hudyat din ito ng pagtatapos ng apat na taong pamumuno ng mga rebelde sa Aleppo na malaking tagumpay naman para sa Syrian government katuwang ang Russian Forces.
Sa pagtaya ng United Nations, halos kalahating milyong katao na ang namamatay sa 5 taong civil war sa Syria habang nasa 5 milyon ang apektado at lumikas o umalis sa naturang bansa.
By Drew Nacino
Photo Credit: AFP